NANANATILI ang presensya ng pinakamalaking barko ng China Coast Guard na “The Monster” sa Escoda Shoal para bantayan ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, maituturing ng iligal ang presensya ng CCG vessel 5901 na noon pang July 3 nasa katubigan ng Pilipinas.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa mga nakalipas na linggo ay nagpatrolya sa karagatan ng Pilipinas ang higanteng barko, subalit inilarawan ito ni Trinidad bilang bahagi ng innocent passage at freedom of navigation, na kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang monster ship ay ilang daang metro lamang ang layo mula sa BRP Magbanua na pinakamahal at isa sa malalaking barko ng PCG.
Idineploy ang Teresa Magbanua sa Escoda noong Abril para i-monitor ang Chinese activities kaugnay ng hinihinalang Reclamation Works sa lugar.
