27 April 2025
Calbayog City
Local

SOS Children’s Village Calbayog at Rotary Club of Calbayog, nagsanib-pwersa para tiyakin ang matatag na supply ng pagkain ng mga nasa pangangalaga ng NGO

LUMAGDA ng partnership ang SOS Children’s Village Calbayog sa ilalim ng pamumuno ni Village Director Emily Torculas, at ang Rotary Club of Calbayog upang matiyak ang sustainable food supply para sa maliliit na bata, kabataan, at mga pamilya na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. 

Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng ribbon-cutting ceremony para sa official turnover ng Layer Poultry Project.

Ang Rotary Club of Calbayog ang nagbigay ng mga materyales para sa facility renovation at pondo sa pagbili ng isandaang sisiw, kabilang na ang mga patuka at vitamins. 

Ang Egg Layering Facility ay inaasahang makapagsu-supply ng itlog para sa 68 children, 40 youths, at 11 family houses at dalawang youth homes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).