HINDI dadalo sina dating Vice President Leni Robredo at Jejomar Binay sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kapwa tinanggihan ng dalawang dating opisyal ang imbitasyon.
ALSO READ:
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Sa ngayon aniya ay hindi pa nagpapadala ng tugon sa SONA invitation si Vice President Sara Duterte, at ama nito na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Velasco na nasa mahigit dalawanlibong panauhin na ang nakumpirma ng kanilang pagdalo sa SONA, kabilang na ang mga kinatawan ng 47 Foreign Embassies sa bansa.
