5 July 2024
Calbayog City
National

“The Big One” at posibleng Tsunami kasama sa mga ikino-konsidera sa Manila Bay Reclamation Project

INIHAYAG ng Dep’t of Environment and Natural Resources na kabilang ang pinangangambahang “The Big One” sa mga ikino-konsidera sa nagpapatuloy na reclamation project sa Manila Bay, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na sakaling mangyari ang big one o ang paggalaw ng west valley point na magdudulot ng malakas na lindol, nakikitang mahahati ang Metro Manila sa apat na bahagi at kabilang sa mga mahihiwalay sa main land ang coastal areas na nakaharap sa Manila Bay.

Kasama rin dito ang “Potential Tsunami” na maaaring idulot ng the big one.

Sinabi ni Yulo-Loyzaga na ang mga nabanggit na geological events ay posibleng maka-apekto sa plano ng reclamation project.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *