Pormal nang binuksan ngayong araw, July 18 ang second runway ng Mactan-Cebu International Airport.
Matagumpay na naisagawa ang unang landing at unang takeoff sa bagong bukas na runway ng paliparan kung saan ang flight ng JejuAir na papuntang South Korea ang unang lumapag sa runway at flight naman ng CebGo patungong Cagyaan de Oro ang unang nag-takeoff.
Sa abiso ng MCIA, mahalaga ang pagbubukas ng Second Runway lalo na kapag ay naka-schedule na maintenance or urgent repair sa Primary Runway ng paliparan.
Inaasahan din na sa pagbubukas ng 2,560-meter Second Runway ay makakatulong sa flight operations.
Ang Cebu Airport ang naging kauna-unahan sa Pilipinas na nagkaroon ng parallel runway.