NAKIPAGPULONG si Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman, kinatawan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, bilang Officer-In-Charge (OIC), kasama si City Engineer Ashley Albana, sa mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP), kamakailan.
Ito’y para talakayin ang potensyal na kolaborasyon para sa mahahalagang development projects sa Calbayog City.
ALSO READ:
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Tumutok ang meeting sa paghahanap ng mga oportunidad upang mapaganda ang mga istruktura, economic growth, at urban development.
Bilang OIC, binigyang diin ni Vice Mayor Daguman ang kahalagahan ng partnership sa pagsusulong ng progreso, habang ipinaliwanag ng DBP Officers ang posibleng pagpopondo para sa mga proyekto, gaya sa infrastructure at tourism development.
