NASAGIP at nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng 8th Infantry Division (8ID) ang isang sugatang rebelde kasunod ng engkwentro sa Las Navas, Northern Samar.
Ang Guerilla na kinilala lamang sa Alyas “Bentoy,” ay kabilang sa labing apat na kalalakihan na nakasagupa ng mga sundalo sa Barangay Mabini.
ALSO READ:
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Tumakas ang armadong kalalakihan subalit natagpuan ng mga humahabol na sundalo si Bentoy sa kalapit na Barangay Lakandula.
Ginamot muna ng mga sundalo ang sugat nito sa binti bago ibiniyahe patungong Catubig District Hospital.
