PINAG-aaralan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na simulan ang pagpapataw ng withholding tax sa partner-merchants ng online platforms bago sumapit ang Disyembre.
Noong nakaraang linggo ay inilabas na ng BIR ang final draft ng amendments sa Revenue Regulation No. 2-98 na sa kasalukuyan ay hindi saklaw ang income payments ng online platform providers.
Sa ilalim ng final draft, magpapataw ang BIR ng withholding tax na 1% sa kalahati ng gross remittances ng domestic e-marketplace operators sa online merchants para goods o services na binili sa pamamagitan ng kanilang mga pasilidad.