UMABOT sa 7,594 tonnes ng sulfur dioxide ang inilabas ng Kanlaon Volcano, batay sa pinakahuling tala ng PHIVOLCS.
Na-obserbahan din ang dalawang ash emission events na tumagal ng mula apat hanggang walong minuto.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga rin ang Bulkang Kanlaon ng “moderate” 50-meter tall plume.
Bukod dito, tatlong volcanic earthquakes ang naitala sa kanlaon volcano na ang edifice o katawan ay nananatiling namamaga.