TINIYAK ni Russian President Vladimir Putin na ipagpapatuloy nila ang paggawa ng hypersonic ballistic missile na kagaya ng pinakawalan nila sa Ukraine.
Ang experimental strike noong huwebes ang naging basehan ng desisyon sa Moscow para ipagtuloy ang umiigting pang digmaan laban sa Ukraine.
Ang pagpapakawala ng missile ng Moscow ay kasunod ng pagpayag ng White House na gamitin ng Ukraine ang US-Made long-range missiles sa Russia.
Sa televised meeting kasama ang liderato ng defense ministry ng Russia, ibinida ni Putin na hindi maaring ma-intercept ng air defenses ang kanilang missile, at sisimulan na aniya ng russia ang serial production ng bagong armas.