SUMAMPA na sa mahigit isang bilyong piso ang kinita sa takilya ng pelikulang “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
As of Nov. 23, umabot na sa 1.06 billion pesos ang kinita ng pelikula sa Box Office Worldwide.
ALSO READ:
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Ang “Hello, Love, Again” ang kauna-unahang Filipino film na kumita ng mahigit isang bilyong piso sa takilya.
Nasungkit din nito ang bagong titulo bilang Highest-Grossing Filipino Movie of All Time.
Nitong weekend ay rumampa sina Alden at Kathryn sa red carpet ng Asian World Film Festival sa California, kung saan itinanghal ang bente otso anyos na aktres bilang Snow Leopard Rising Star sa Closing Night Awards Gala na ginanap sa Culver Theater.
