9 February 2025
Calbayog City
Business

Bilang ng air passengers sa NAIA, nalagpasan ang Pre-Pandemic Levels sa unang 9 na buwan ng taon

NALAGPASAN ng air passenger volume sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naitala sa huling Pre-Pandemic Year, ayon sa Manila International Airport Authority.

Sa report ng MIAA, umabot sa 37.78 Million ang naitalang air passenger volume sa loob ng siyam ng buwan ng 2024.

Mas mataas ito ng 10.7 percent at 4.2 percent kumpara sa kabuuang naitala sa unang siyam na buwan ng 2019.

Mula Enero hanggang Setyembre, nakapagtala ang MIAA ng 17.29 million international passengers habang 20.09 million ang domestic passengers.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).