ISANG miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nahaharap sa administrative investigation.
Ito’y makaraang mabisto sa CCTV footage ang pagbubulsa nito ng isang cellphone sa isinagawang raid sa isang Business Process Outsourcing (BPO) Company sa Bataan.
ALSO READ:
Cong. Leviste at mga self-claimed DDS, iisa ang agenda, ayon sa Malakanyang
Dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, walang nilabag sa polisiya ng BI kahit hindi agad nakauwi ng bansa
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Kinompronta pa ng may-ari ng cellphone ang PAOCC Member at pilit na pinababalik ang kanyang telepono.
Kinumpirma ni PAOCC Executive Director, Undersecretary Gilbert Cruz na tauhan nila ang nagnakaw ng cellphone, kasabay ng pagtiyak na hindi nila ito kukunsintihin.
Sinalakay ng mga awtoridad ang Central One Bataan noong nakaraang buwan dahil sangkot umano ito sa scamming at illegal online gambling, na mariin namang itinanggi ng kumpanya.
