9 February 2025
Calbayog City
Metro

BuCor, mayroon nang 2 full-body scanners para sa mas mahigpit na seguridad sa Bilibid 

MAYROON nang dalawang full-body scanners ang Bureau of Corrections (Bucor) na maaring maka-detect ng mga ipinagbabawal na kagamitan na posibleng ipuslit-papasok, ng mga bisita ng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., may kakayahan ang full-body scanners na matukoy ang items na nilunok, isinilid sa ilalim ng damit, at itinago sa loob ng pribadong bahagi ng katawan ng bisita.

Idinagdag ni Catapang na sa pamamagitan nito ay maaalis na ang pagpapahubad at manu-manong pagkapkap sa katawan ng mga dalaw.

Inihayag ng BuCor Chief na ilalagay ang scanners sa entrance ng administrative building ng national headquarters at sa inmate visiting services unit ng New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound na Muntinlupa City.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.