NASAKOTE ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong Vietnamese citizens dahil sa umano’y pagsasagawa ng cosmetic procedures nang walang kaukulang medical license sa bansa.
Kinilala ng PNP ang tatlong Vietnamese nationals na sina Dr. Julie Nguyen, Dr. Luna Pham, at Dr. Ryan Truong.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Ipinakilala ng mga suspek ang kanilang mga sarili bilang mga doktor na nagsasagawa ng injection ng stem cells, hair regrowth, body sculpture, bio stimulation collagen, at derma-related producers, sa Imus, Cavite.
Gayuman, sinabi ng mga awtoridad na nabigo ang mga dayuhan na magprisinta ng required licenses at permits, para mamahagi ng medical products, mag-operate ng medical facility, o mag-practice ng medisina sa Pilipinas.
Nakumpiska ng PNP-CIDG ang kahon-kahon na iba’t ibang klase ng mga gamot, medical at cosmetic products at related devices, at notebooks kung saan naka-dokumento ang medical procedures, prescription medications, at mga resibo na inisyu sa mga kliyente.
