27 March 2025
Calbayog City
Metro

Kidnappers ng Chinese student, mula sa “Muscle Group” ng POGO, ayon sa PAOCC

NANINIWALA ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mula sa “Muscle Group” ng POGO ang kidnappers ng isang Chinese student.

Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na ang Muscle Group ay binubuo ng retired military personnel na kinuha ng POGO ang serbisyo para mag-kidnap, manakit, manakot, at pumatay ng mga tao kapalit ng pera o anuman na kanilang i-demand.

Ang katorse anyos na biktima ay dinukot noong Feb. 20 matapos dumalo sa klase sa isang international school sa Taguig city.

Ilang araw matapos ang insidente, natagpuang patay ang driver ng pamilya ng estudyante.

Feb. 25 naman nang matagpuan ang biktima sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa Parañaque city. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).