PUMANAW na ang Filipino voice actor na si Jefferson Utanes sa edad na 46, matapos igupo ng chronic kidney disease.
Ang pagpanaw ni Jeff ay kinumpirma ng kanyang misis na si Catherine, na nagsabing early 2024 nang ma-diagnose ang kanyang mister na may stage 5 CKD at simula noon ay sumailalim na sa dialysis.
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Noli De Castro, “okay na” matapos sumailalim sa operasyon
Noong nakaraang Linggo ay sumailalim ang voice actor sa Angioplasty procedure.
Binawian ng buhay si Jeff dahil sa atake sa puso sa kanyang bahay.
Nagluluksa ang anime fans sa pagpanaw ni Jeff, na nasa likod ng tagalog voice para sa maraming iconic characters, gaya nina Doraemon at Son Goku.
Siya rin ang nag-boses kina James at Professor Oak sa “Pokemon,” Hisoka sa “Hunter x Hunter,” Kogoro Mouri sa “Detective Conan,” Yami Yugi sa “Yu-Gi-Oh,” Li Syaoran sa “Cardcaptor Sakura,” Ryomen Sukuna sa “Jujutsu Kaisen,” at Okarun sa “Dandadan.”
