13 October 2025
Calbayog City
Local

Tacloban, nakapagtala ng 7 percent na pagtaas sa passenger traffic noong 2024

LUMOBO ng pitong porsyento ang air passenger ng traffic sa Tacloban airport noong 2024, bunsod ng additional flights sa kabisera ng Eastern Visayas.

Sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), mula sa 1,573,301 inbound and outbound passengers noong 2023, umakyat ang bilang sa 1,689,748 noong nakaraang taon.

Sinabi ni CAAP Eastern Visayas Area Manager Danilo Abarreta, na nakatulong ang pagbubukas ng bagong air route patungong Tacloban mula sa Davao at Iloilo sa huling quarter ng taon, sa naturang paglago.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).