LUMIPAT ang munisipalidad ng Guiuan sa Eastern Samar sa solar power bilang cost-effective electricity source at para isulong ang renewable energy.
Nakipag-partner ang Guiuan sa Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), na isang international non-government organization, para sa pagkakabit ng 60-kilowatt-peak rooftop solar photovoltaic system sa kanilang municipal building.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Ayon kay Energy Assistant Secretary Mylene Capongcol, makatutulong ang 60-kilowatt-peak hybrid solar system sa munisipalidad na makatipid sa gastos sa kuryente at magagamit ng lokal na pamahalaan ang kanilang savings para sa iba pang programa at investments.
Inihayag ni Mayor Analiza Gonzales-Kwan na maaring maresolba sa pamamagitan ng solar power project ang brownout na regular nilang nararanasan sa Guiuan.
