PATUNGO na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa the Hague, Netherlands lulan ng chartered plane, matapos arestuhin pagbalik niya sa bansa mula sa Hong Kong, kahapon.
Nakatakdang litisin ang dating Pangulo sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Kasama ni Duterte sa eroplano si Dating Executive Secretary Salvador Medialdea.
Umalis ng Pilipinas kagabi ang Gulfstream V (GLF 5) jet na may tail number RPC5219 lulan si Duterte, at sandaling tumigil ang eroplano sa Dubai para mag-refuel saka dumiretso na patungong the Hague.