UMABOT na sa 3.97 billion pesos ang inilaan ng national government para sa konstruksyon ng Tacloban causeway project na magbibigay ng mas maiksing ruta mula sa Tacloban city patungong airport.
Ayon kay Edgar Tabacon, director ng Department of Public Works and Highways – Eastern Visayas, malaking bahagi ng 4.77-billion peso project requirement ay inilaan sa ilalim ng 2022, 2024, at 2025 national budgets.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Aniya, 880 million pesos ang in-allocate noong 2022; 1.92 billion pesos noong 2024; at 1.17 billion pesos ngayong taon.
Batay sa mga dokumentong ibinahagi ng DPWH, 2.68 billion pesos ng allotted budget ay obligated na habang 528.6 million pesos pa lamang ang nadi-disburse.
Samantala, nasa 20.42 percent pa lamang ang accomplishment rate ng proyekto, gamit ang appropriations noong 2022 at 2024.