27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Maris Racal, nananatiling propesyonal kay Anthony Jennings matapos ang kanilang cheating scandal

PATULOY ang pagiging propesyonal sa isa’t isa nina Maris Racal at Anthony Jennings sa kabila ng kinasangkutang cheating scandal noong nakaraang taon.

Sinabi ni Maris na maayos naman sila ni Anthony at sinisigurado nila na pagdating sa set ng kanilang ongoing action drama na “Incognito” ay professional sila.

Ginawa ng actress-singer ang pahayag matapos tanungin kung “Friends” ba sila ng kanyang onscreen partner kapag wala sila sa harap ng camera.

Matapos ang pag-amin noong disyembre sa naudlot nilang relasyon ni Anthony, inihayag ni Maris na sinikap niyang lumayo sa aktor habang nagpo-promote sila ng MMFF movie na “and the bread winner is…”  at tv series na “Incognito.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).