15 March 2025
Calbayog City
Sports

POC, humihirit ng pondo para sa curling kasunod ng makasaysayang pagkakasungkit ng gintong medalya sa Asian Winter Games

UMAASA ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakakuha ng karagdagang pinansyal na suporta para sa men’s curling team.

Kasunod ito ng kanilang makasaysayang pagkapanalo ng gold medal sa Asian Winter Games sa Harbin, China, noong biyernes.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na sisikapin niyang humirit ng pondo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para suportahan ang kampanya ng koponan sa 2026 Winter Olympics na nakatakdang ganapin sa Italy.

Isiniwalat ni Tolentino na personal na binabalikat ng mga atleta ang kanilang expenses sa ngayon, kaya nangangailangan sila ng financial support upang ma-sustain at mapaghandaan ang mga susunod nilang kompetisyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).