14 May 2025
Calbayog City
National

Suspended Mayor Alice Guo at pitong iba pa, ipinaaaresto ng Senado 

IPAAARESTO na ng Senado si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o si Gua Hua Ping, kasama ang pitong iba pa dahil sa pang-iisnab sa subpoena na ipinadala ng Senado para dumalo sa pagdinig kahapon.

Bukod kay Alice Guo, inaprubahan ni Committee Chairperson Risa Hontiveros na i-cite in contempt sina Nancy Gamo, Dennis Cunanan, Wen Yi Lin, Seime Guo, Jian Zhong Guo, Duaren Wu at Chona Alejandre.

Sinabi ni Hontiveros na iisyuhan nila ng warrant of arrest ang walong personalidad na inaasahan nilang agad na pipirmahan ni Senate President Chiz Escudero.

Pinaiisyuhan naman ng subpoena ang ilan pang personalidad, kabilang ang incorporators ng Lucky South 99 at mga opisyal ng iba pang korporasyon na nasasangkot sa operasyon ng POGO Hub sa Bamban, Tarlac.

Sa pagdinig, nagkakaisa ang mga senador na hindi katanggap-tangggap ang excuse ni Mayor Guo kaugnay sa kanyang mental illness, lalo na kung walang doktor na magsesertipika nito.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.