HINAMON ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy na magpakita na at harapin ang kaniyang mga kaso.
Ito ay matapos kwestyunin ang pagtanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa P10-milyong pabuya mula sa pribadong indibidwal para sa ikadarakip ni Quiboloy.
Sa ambush interview sa Montalban, Rizal, sinabi ni Pangulong Marcos na walang masama sa pagtanggap ng pabuya.
Kinuwestyun din ni Pangulong Marcos kung ano ang motibo ni Quiboloy at hinikayat na sundin ang itinatakda batas.
Una nang nagpalabas ng Warrant of Arrest ang korte sa Davao laban kay Quiboloy dahil sa kasong Sex Trafficking, Child Abuse at iba pa.