INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na mas magiging maayos ang power situation sa Luzon Grid sa Dry Months ng 2025 kumpara sa naranasan ngayong summer ng 2024.
Ito, ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, ay dahil sa paparating na 4,000 megawatts na karagdagang power capacity.
Sa nakalipas na tag-init o Abril hanggang sa pagsisimula ng Hunyo na pinalala pa ng El Niño, labing isang beses na nagtaas ng red alert ang National Grid Corp. of the Philippines habang tatlumpu’t isang beses na yellow alert sa Luzon Grid.
Gayunman, inihayag ng DOE Official na mas madilim ang kanilang nakikita para sa Visayas Grid sa summer ng susunod na taon habang mas maliwanag naman sa Mindanao Grid.