SUMUKO na ang suspek sa pagpapasabog sa open parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sa pamamagitan ng molotov cocktail noong September 23.
Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na boluntaryong sumuko ang suspek noong Sept. 28 kasunod ng intelligence at surveillance operation.
Inamin ni Renieldo Perez na kilala rin sa alyas na “Bolayog” na in-assemble, sinindihan, at inihagis niya ang molotov cocktail patungo sa direksyon ng parking lot.
Itinurnover si Perez sa Pasay City Police para sampahan ng mga kasong arson at alarm ang scandal.
Noong Oct. 6 ay sumailalim ito sa inquest proceedings at kasalukuyan itong nakapiit sa Pasay City Jail.