Inatasan ng Korte Suprema ang komiteng pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros na magkomento sa inihaing petisyon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kaugnay ito sa hirit ng kampo ni Guo na pigilan ang mga senador na ipatawag ang suspendidong alkalde bilang resource person, sa isinasagawang imbestigasyon sa mga iligal na aktibidad ng POGOs.
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Camille Uue Mae Ting, binigyan ng kataas-taasang hukuman ang senate panel ng sampung araw, pagkatanggap nila ng notice, para magsumite ng kanilang komento.
Naghain ng si Guo ng petition for certiorari sa SC, with prayer for Annulment of Subpoena and Temporary Restraining Order laban sa pag-obliga sa kanya na dumalo bilang resource person sa senado.
Una nang inihayag ng abogado ni Guo na si Stephen David, na nagdulot ng matinding stress at trauma sa kanyang kliyente ang senate hearings.
