Nananatili pa rin sa Escoda o Sabina Shoal ang “Monster Ship” ng China Coast Guard, taliwas sa naunang report na nilisan na ng higanteng barko ang naturang lugar, ayon sa Philippine Coast Guard.
Kinumpirma rin ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang presensya ng isa pang 135-meter CCG ship na may hull number 5303 sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Namataan ang isa pang barko ng Tsina, animnapung milya, kanluran ng Lubang island sa Occidental Mindoro noong Linggo, July 14, batay sa impormasyon mula sa maritime expert na si Ray Powell.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tariella, na nananatili ang CCG ship na may hull number 5901 sa loob ng Escoda Shoal, at lumapit din sa Lubang island ang isa pang Chinese vessel subalit lumayo na ito patungong palawan.