18 May 2025
Calbayog City
Metro

Lalaki, patay makaraang pagsasaksakin habang natutulog sa Pasay City

lalaki patay

Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin habang natutulog sa tricycle sa Diosdado Macapagal Boulevard, sa Pasay City.

Ang suspek ay ang dating nobyo ng live-in partner ng biktima.

Ayon sa report, nagpapahinga ang biktima at live-in partner nito nang biglang sumugod at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang natutulog na lalaki.

Dead on the spot ang biktima habang hindi naman nasaktan ang babae na mabilis na nakatakbo palayo sa suspek.

Selos ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya, matapos umanong makipaghiwalay ang babae sa suspek.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.