Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang self-appointment bilang “designated survivor” sa State of the Nation Address (SONA) ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi joke at hindi rin bomb threat.
Sa national kickoff ng Brigada Eskwela, sinabi ng outgoing Education Secretary na ito ang unang beses na nakita niyang palaging tsine-check ang attendance ng bise presidente.
Idinagdag ni VP Sara na marami ang hindi nakaunawa sa punto ng kanyang binitawang pahayag at wala siyang balak magpaliwanag sa mga ito.
Una nang inanunsyo ng bise presidente na hindi siya dadalo sa ikatlong sona ng pangulo sa july 22, kasabay ng pagtatalaga sa sarili bilang “designated survivor.”
Sa Amerika, ang pagkakaroon ng designated survivor ay upang matiyak na mayroong pansamantalang hahalili sa presidente sakaling biglaan itong masawi sa sakuna o pag-atake.