Bahagyang bumaba ang approval at trust ratings ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., batay sa survey ng Pulse Asia, na inilabas ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng punong ehekutibo.
Sa resulta ng June 17 to 24 survey na nilahukan ng 2,400 adult respondents, 53 percent ang nakuhang performance rating ng pangulo, mas mababa ng 2 percent mula sa 55 percent noong Marso.
ALSO READ:
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Natapyasan naman ng 5 percent ang trust rating ni Marcos na naitala sa 52 percent mula sa 57 percent.
Samantala, umakyat sa 69 percent ang performance rating ni Vice President Sara Duterte noong Hunyo mula sa 67 percent noong Marso, habang nanatili sa 71 percent ang kanyang trust rating.
