Makatatanggap ang liblib na bayan ng Matuguinao sa Samar ng isandaang milyong pisong pondo para sa pagtatayo ng tulay na magdurugtong sa mga komunidad na dating pinamumugaran ng mga rebelde, sa sentro ng kalakalan.
Ayon kay Matuguinao Mayor Aran Boller, sisimulan ngayong taon ang pagtatayo ng 30-meter concrete bridge sa Maduroto, kapalit ng makeshift bridge na itinayo ng isang contractor at ni-repair ng lokal na pamahalaan.
ALSO READ:
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Sinabi ng alkalde na ang mataas na tulay ay pakikinabangan ng libu-libong residente mula sa labindalawang barangay.
Ang naturang tulay ay pinondohan sa ilalim ng payapa at masaganang pamayanan (pamana) program na pinangangasiwaan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.
