DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaki matapos pagbabarilin mag-aalas otso ng umaga ng Huwebes sa Diversion Road, Purok 1, Barangay Pagbalican, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Roy Cleofas Saplad, 39 anyos, supervisor ng
88’s corporation, residente sa Purok 4 Brgy. Payahan, Calbayog City.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog CPS, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula sa kanluran patungo sa direksyon pa norte nang biglang sumulpot ang tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan at pagbabarilin ang biktima.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Samantala, agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay pula na Vios patungo sa direksyon pa norte. Prinoseso naman ng SOCO ang pinangyarihan ng insidente.