NILAMON ng apoy ang malawak na bahagi ng bundok na nasasakupan ng Barangay Pundaquit, San Antonio, Zambales.
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa San Antonio, bandang alas onse ng umaga noong Lunes nang sumiklab ang sunog sa kabundukan.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Nakontrol ito ng mga bombero alas dose y medya na ng madaling araw ng Martes.
Upang matiyak na hindi na muling sumiklab ang apoy ay patuloy ang monitoring ng BFP, katuwang ang mga opisyal ng barangay, at Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Antonio.
