22 November 2024
Calbayog City
Business

Subsidiya sa mga GOCC, bumagsak ng 14% noong Setyembre

BUMAGSAK ng  mahigit 14 percent ang subsidiyang ipinagkaloob sa mga Government-Owned and -Controlled Corporation (GOCC) noong Setyembre.

Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ng 14.33%  o  sa 18.22 billion pesos ang budgetary support sa mga GOCC noong ika-siyam na buwan mula sa 21.26 billion pesos noong September 2023.

Gayunman, doble ito sa subsidiyang ipinagkaloob sa mga kumpanyang pinatatakbo ng pamahalaan, noong Agosto na naitala sa 9.1 billion pesos.

Ang mga state-owned firms ay tumatanggap ng buwanang subsidiya mula sa national government upang masuportahan ang kanilang operasyon sakaling hindi sapat ang kanilang kinikita.

Noong Setyembre, ang Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) ang tumanggap ng pinakamalaking suporta na nasa 9.34 billion pesos o  51.27% ng total subsidies.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).