4 July 2024
Calbayog City
Local

Street level individual arestado ng mga operatiba ng Calbayog Police

Ikinasa ng mga operatiba ng Calbayog Police Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni PLTCOL. AQUILINO G PONGCOL III, Chief of Police ang buy-bust bandang 8:55 ng gabi ng Disyembre 30, 2023 sa Purok 1 Brgy. Tomaligues, Tinambacan District, Calbayog City.

Kinilala ang suspek na si Danilo Merencillo alyas Danny 65 taong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar. Nakuha sa suspek ang apat na pirasong sachet ng hinihinalang shabu, isang pirasong isang libong piso na buy-bust money at isang pakete ng sigarilyo na may sampung stick ng sigarilyo kung saan nakalagay ang 3 pirasong sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang tumitimbang sa mahigit kumulang sa 1.93 grams at tinatayang nagkakahalaga sa labing dalawang libo at limang daan at apat naput limang piso.

Samantala, dinala ang suspek sa Calbayog Police Station para sa tamang dokumentasyon at sasailalim sa drug test.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *