PINANGUNAHAN ni Regional Director, Police Brig. Gen. Jay Cumigad ang pag-tour sa mga miyembro ng Police Regional Office 8 Press Cors sa loob ng PRO 8 Command Center.
Ibinida ni Cumigad ang Central Operations Area, isang State-Of-The-Art Facility na may malaking led wall kung saan makikita ang Real-Time Feeds mula sa Body Cameras, CCTVs, Drones, at Vehicle Tracking System, para sa mabilis na pag-responde sa buong Eastern Visayas.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Para ipakita ang Operational Readiness, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief General Nicolas Torre III sa 5-Minute Response Time, Siang Simulation Exercise (SIMEX) ang isinagawa.
Pinamunuan ni Police Major Janel Regato, Acting Chief ng Regional Tactical Operations Center, ang Drill sa koordinasyon ng Tacloban City Police Office, para sa Simulated Vehicular Incident.
Ang First Responders ay matagumpay na na-dispatch at dumating sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa loob ng isang minuto at labing apat na segundo.
