HANDA na din ang Deployable Response Team ng Eastern Visayas para rumesponde sa mga lugar na maapektuhan ng Bagyong Crising at Habagat.
Ayon kay Coast Guard Eastern Visayas District Commander Capt. Jonathan Marfil, nagsasagawa na ng koordinasyon sa Coast Guard Stations at Sub Stations sa rehiyon bilang bahagi ng Heightened Preparedness Effort.
ALSO READ:
Albuera Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI – Cebu kaugnay ng kasong murder
Pag-upgrade sa Calbayog Airport sa Samar, malapit nang umarangkada
Landslides at pagbaha sa 1.4K na barangay sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Basyang, ibinabala ng MGB
Militar, pinaigting ang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA sa San Jorge, Samar
Tiniyak ng Coast Guard ang agarang Deployment ng kanilang mga tauhan at kagamitan lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha.
Sa Heavy Rainfall Outlook ng PAGASA, kasama ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran sa makararanas ng pag-ulan dulot ng Bagyong Crising.
