PATAY ang isang Faith Healer matapos saksakin ng kanyang pasyente sa Lapinig, Northern Samar.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas “Efren,” kwarenta anyos, residente ng Barangay Bagacay.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sa report ng Lapinig Municipal Police Station, nagtungo sa bahay ng biktima ang suspek na kinilalang si “Ambie,” trenta anyos para magpagamot.
Gayunman, bigla umanong sinuntok ng suspek ang Faith Healer saka sinaksak ng patalim na tinatawag na “depang.”
Tumakas si Ambie matapos din nitong saksakin sa likod at balikat ang isa pang biktima na pinsan ng Faith Healer.
Sumuko na sa mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong Murder at Frustrated Murder.
