ILANG artista mula sa Star Magic sa pangunguna ni Gerald Anderson ang bumisita sa BRP Teresa Magbanua na isa sa mga barko ng Philippine Coast Guard.
Kagabi ay inilabas ng Star Magic ang video ng ilang young Star Magic Artists habang nag-iikot sa BRP Teresa Magbanua na pinangunahan ni Anderson na miyembro ng Coast Guard Auxiliary.
Sinabi ni Anderson na bilang artista ay nais niyang impluwensyahan ang kabataan sa pamamagitan ng kanilang platforms, at bigyan ng suporta ang mga pumu-protekta sa bansa.
Ang “Operation: Magic” ay Collaboration Project ng Philippine Coast Guard at Star Magic.