Pumanaw ang physiotherapist ng Dominican Republic Basketball Team matapos tulungan ang koponan sa kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup.
Sa social media, inanunsyo ng team ang pagpanaw ni Bladimir Regalado na inatake sa puso habang nasa flight pabalik ng Dominican Republic mula sa Pilipinas.
Nagpaabot ng pakikiramay ang FIBA sa koponan at sa pamilya ni Regalado.
Ang Dominican Republic na pinangunahan ni Karl-Anthony Towns, ay nakapagtala ng tatlong panalo, na ang isa ay laban sa Gilas Pilipinas, at dalawang talo, sa kanilang World Cup campaign sa Manila.