Magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa Pagasa, sa kasalukuyan, apektado ng habagat ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Lanao del Sur, at Northern portion ng Palawan ay makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat, bunsod din ng habagat at localized thunderstorms.