5 July 2024
Calbayog City
Entertainment

South Korean actress Bae Suzy, babalikan ang pagiging K-Pop Idol sa bagong K-Drama na “Doona”

GAGANAP ang South Korean Singer-Actress na si Bae Suzy bilang retired K-Pop Idol na na-inlove sa isang college student sa kanyang upcoming series na “Doona!” Na nakatakdang ipalabas sa Oct. 20 sa Netflix.

Ang “Doona!” ay iikot sa titular character na gagampanan ni Bae, na namuhay mag-isa matapos magretiro mula sa kanyang trabaho bilang main vocalist ng isang K-Pop Group.

Magtatagpo ang landas nila ni Lee Won-Jun na gagampanan ni Yang Se-Jong sa isang sharehouse sa isang college town, at kalaunan ay mai-inlove sila sa isa’t isa.

Nagsimula ang entertainment career ni Bae bilang miyembro ng K-Pop Group na “Miss A” noong March 2010, hanggang sa ma-disband ang grupo noong December 2017.

Gumawa naman ng pangalan ang “Holiday” singer bilang aktres, sa nilabasan nitong projects, gaya ng “Dream High”, “While You Were Sleeping”, “Uncontrollably Fond”, “Start-Up”, at “Vagabond”.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *