3 May 2025
Calbayog City
National

South Korea pinaigting ang mga hakbang laban sa pamemeste ng mga surot

PINAIGTING ng South Korea ang kanilang pest control measures at pag-i-inspeksyon upang maiwasan ang pagkalat ng bedbugs o surot.

Kasunod ito ng mga ulat hinggil sa hinihinalang pamemeste ng mga surot sa ilang mga sauna at residential facilities sa naturang bansa.

Nasa tatlumpung kaso ng suspected infestations ang naiulat sa buong South Korea, kabilang sa isang Traditional Korean Spa na “Jjimjilbang” sa Incheon sa kanluran ng Eoul, at sa isang college dorm sa Southeastern City ng Daeugu.

Naglunsad ang Prime Minister’s Office ng apat na linggong kampanya na may kasamang pag-i-inspeksyon sa mga pampublikong pasilidad at nagpatupad ng mga hakbang para makontrol ang pamemeste ng mga surot.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *