5 July 2024
Calbayog City
Sports

Soccer Chief ng Spain sinuspinde ng FIFA kaugnay ng paghalik nito sa labi ng isang player na nananalo sa Women’s World Cup

SINUSPINDE ng FIFA si Spanish Federation Chief Luis Rubiales mula sa lahat ng football-related activities sa loob ng tatlong buwan, sa gitna ng imbestigasyon sa alegasyon na binigyan nito ng unwanted kiss sa lips ang isang player makaraang magwagi ang women’s team sa World cup.

Ibinaba ng world governing body ng soccer ang disciplinary proceedings laban kay Rubiales kasunod ng insidente sa player na si Jenni Hermoso noong nakaraang linggo sa Sydney na pinalagan ng mga players at fans.

Sinabi naman ng Soccer Chief na sasamantalahin niya ang imbestigasyon upang patunayan na siya ay inosente.

Iginiit ng kwarenta’y sais anyos na si Rubiales na consensual ang halik na iginawad nito kay Hermoso.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *