KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines na Rido-Related ang bakbakan na naganap sa Tipo-Tipo, Basilan.
Sa pahayag ng AFP, Under Control na sitwasyon at nagpatawag na ng dayalogo ang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH at ang Provincial Government ng Basilan.
Tiniyak din ng AFP na patuloy na binabantayan ng Western Mindanao Command at Joint Task Force Orion ang sitwasyon katuwang ang Philippine National Police, Basilan Council of Elders, at ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front.
Hinikayat naman ng AFP ang publiko na manatiling kalmado.




