21 September 2024
Calbayog City
Business

Singil sa Toll sa NLEX, tataas simula sa June 4

ASAHAN na ng mga motoristang gumagamit ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mas mataas na toll rates sa susunod na buwan.

Ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapatupad sa ikalawang bugso ng toll adjustments para sa Expressway.

Sa statement, sinabi ng NLEX Corp., na pinayagan ng TRB ang implementasyon ng second tranche ng kanilang Approved 2018 at 2020 Consolidated Petitions para sa periodic toll adjustments, epektibo sa June 4, 2024.

Sa ilalim ng bagong Toll Fee Matrix, ang mga Class 1 vehicle, gaya ng regular na kotse at SUV, ay mayroong karagdagang singil na limang piso sa loob ng open system habang 14 pesos para sa mga Class 2, tulad ng mga bus at maliliit na truck; at 17 pesos naman para sa Class 3 Vehicles.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *