Nagtapos lamang sa ika-pitong pwesto ang Paris-Bound Pole Vaulter na si EJ Obiena sa Ostrava Golden Spike sa Czech Republic.
Ito’y matapos ma-clear lamang ang kanyang opening bar sa 5.52 meters makaraang mabali ang gamit niyang pole sa araw ng kompetisyon.
Sinikap naman ni Obiena na ma-clear ang 5.72 at 5.82 marks, subalit nabigo ang Pinoy Olympian.
Sa kabila ng setback, sinabi ng asian record holder na sasali pa rin siya sa Oslo Bislett games sa Norway, ngayong May 30.