13 February 2025
Calbayog City
Province

Aid Deliveries sa Gaza, sinuspinde muna ng US makaraang masira ang Temporary Pier

NAPILITAN ang US Military na suspindihin ang pagde-deliver ng mga ayuda sa Gaza Strip sa pamamagitan ng karagatan, makaraang magtamo ng pinsala ang kanilang temporary pier bunsod ng masamang panahon.

Sinabi ni Deputy Press Secretary Sabrina Singh na sa kasamaang palad ay tinamaan ng bagyo ang High Sea States.

Aniya, sinimulan na ng Army Engineers ang pagbuong muli sa pier at umaasa ang Defense Department na magiging fully operational ulit ang pantalan sa loob ng mahigit isang linggo.

Sa full operating capacity, ang naturang pier ay kayang makapag-deliver ng hanggang 150 trucks na halaga ng mga ayuda kada araw, ayon sa Pentagon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *